This is where you've brought us today

By Saldivar Gorio Gambas

Ako po si Saldivar Gorio Garambas tubong taga Kamog,Sablan,Benguet isang mapagmahal na magsasaka... Ang net icome q po sa dalawang taon noon ay halos katumbas nang imcome q sa isa o dalawang buwan ngaun... Session Groceries pinabago at pinaangat ang aking status at pananaw sa buhay... Naging mapagkumbaba,marespeto sa mga kapwa magsasaka at sa lahat ng nakakasalamuha lalo sa mga mapagmahal na custumer... Dahil po jan nagkaroon po ng magandang bunga...

  1. Nakakabayad ako ng utang q at nakabangon sa pagkalugmok dahil sa lugi q noon sa pagsasaka dahil sa dulot ng tyohoon umpong noon lahat ng greehouses q ay halos sira.

  2. Nakabili ako ng maraming farm inputs q, mga plastic mulch,plastic greenhouses,pataba,mga seeds na maipupunla..chargechable sprayer.. For organic at in organic.

  3. Napapayos q at gumagawa ako ng mga greenhouses.. Under construction po... Unti unting bumabalik ung nawala sa akin.

  4. May kunting pagparepair sa bubong ng bahay para sa preparation kapag may kalamidad tulad ng bagyo.

  5. Nakapagpundar ng kunting tindahan ng mga sariwang gulay at prutas na karamihang tinda ay organically grown.

  6. Nakabili ng tissue cultured na lakatan na saging at ready to plant ngaung tag ulan.

  7. Nakabili ng kunting pipes na gawing greenhouses

  8. May kunting ipon sa bangko.

Ito po lahat ng bunga ng pagsusumikap q ng dahil sa tulong ng Session Groceries,kapwa magsasaka,at lalo sa mga tumatangkililk naming mga custumer..

Ang no.1 goal q po ay makilala bilang isang mabuting partner farmer ng session groceries at maging tanyag na magsasaka hindi lang magsasaka kundi bilang isang milyonaryong magsasaka sa buong mundo...